By ann skrilec
Submitted by annski808
Date: 2011 Jun 20
Comment on this Work
[[2011.06.20.06.58.19415]]

huling paghinga

sa bawat patak ng pighati
parang bagyo ang hagupit
binabayo ng higanteng kamao
ang dibdib na puno ng pasa at dalita

bawat yabag hakbang at apak
puno ng sugat, dugo at bubog
dala ng sakripisyong maabot ang di dapat
hangad ay ligaya
pero hungkag na alalaa
sa gitna ng himala
namamana sa dilim at kawalan ng pag asa

marahil ay mahirap nga talagang abutin
ang tanging hiling na parang bituin
gumapang sa dambana
ngunit nakaharang ay mga pana
sundang at palaso
sugat na singlalim ng dagat ang natamo

walang kulang
masyado lang labis
akala mo lang mali
pero masyasdo lang talagang tama
hinde pa tag ubos ng mga isda
akala mo lang wala na
pero kailangan mo lang tumingin ng mas malalim pa

huminga ka
pumikit
umidlip
kumurap
at lumingon
walang nasa likod
nasa harap mo lang

kilalanin
suriin
bulatlatin
himayin
kamayin
tingnan mo kung katulad ng dating huli

huli na akala mo ay huli na
nde pala
akala mo naiiba
pangkaraniwan lang pala
isang imahe ng sinungaling na balintataw
isang ilusyon na nakakasilaw

wala kang dala
wala kang sawa
magmamahal
iiyak
mawawala
lalayo
babalik
magpupunit
sikdo ng init

wala pakialam
sa palo ng panahon
hampas ng alon
taas ng talon
handang yumuko
sumuko
at magpagupo

pero mali
kasi di tama
dahil sa pagmamadali
mali ang nabibingwit
panandaliang aliw
pananadaliang ligaya
maling pagmamahal
maling pagtingin

asan na nga ba ang aking hiling
gaano pa kahaba ang babaybayin
nakaraang kailangang lingunin
pangyayaring dapat ng tapusin
hapdi na dapat yapusin
tama na
lipas na ang kuaresma

wala na akong ibang makita
ako na lang nag iisa
tahimik ang paligid
ngunit may liwanag
tuloy ang aking paglakad
paalam sayo alaala
wala ka ng lugar sa aking pupuntahan pa
maraming salamat na minsan naging bahagi ka
ng aking mapait na gantimpala